like > reblog
RSS
Hi i'm Jin.

im not awesome and im very noisy. but i love smiles!;)

anong kabobohan to DepEd? bakit mo gustong alisin ang Science sa mga grade 1 and 2? srsly! angsaya-saya kaya ng science! nung nasa elementary at high school ako eh yun ang favorite kong subject. angsaya-saya kaya nang subject na yun! andaming experiment na pedeng gawin at activities na napaka-informative! oo mahalaga ang math, english, filipino, values education atbp. pero science? tingin nio ba hindi sila nakikinig? eh yun nga ang magpapakilala sa mga bata sa mundong ito. pinalampas na kita sa kabobohang maglagay ng additional years despite di mo pa inaayos ang sistema mo, pero alisin ang science sa mga mga unang taon ng elementarya? naman! dude! ano ka ba! nakaka-stress kayo. yun ang highest grade ko nung elementary ako at naaaliw talaga ako sa science. kaya nga hanggang ngaun, imbes na manuod ng mga drama eh, NatGeo, discovery, at kung ano2 pang mga documentary ang pinapanuod ko. pati ung ibang palabas sa channel 25, 4 at 13 eh pinapatulan ko kasi talagang mas naaaliw ako makinig sa kanila kaysa yung mga wasakan ng puso at murahan sa mga walang kwentang direktor na nagpapa-alipin sa mga sponsor. bakit? bakit mo aalisin ang science? pano na lang tayo makaka-imbento ng iphone? makakatuklas ng gamot sa cancer? o kahit simpleng pagmamahal at pag-aalaga sa kalikasan? ang mundong ito ang ating buhay. at habang bata pa tayo eh dapat matutunan na natin siya makilala. ang science eh ang fusion ng math at english. ito ang fact! ito yung tipong magagamit namin hanggang tumanda kami. kaya please naman, palawakin mo ang pagtuturo ng science. Education is a right diba? and science is a vital part of learning, so please, wag mo nakawin ang science sa mga bata.

  1. muffintot posted this
Real Time Web Analytics